Pageviews last month

Thursday, October 20, 2011

My FEU-NRMF FIRST SEM- Experience

Tapos na ang Unang Semestre ng Med School. Ang bilis ng panahon. Di ko namalayan na sa sobrang daming ginawa, inaral, binagsak, pinasa, dami ng kape at energy drink na nainom, dami ng chips at sweets na nakain, dami ng mga taong nakasalamuha, nakaaway, naging kaibigan at dami ng perang naubos ay tapos na pala. Well, hindi pala sa lahat. Dahil sa tulad kong may mga removal exams ay hindi pa tapos ang aming laban.Seryoso. Tatlong subjects ang niremovals ko. Gross HSB, Micro HSB at ang deadly Physiology.

Di ako makapaniwala na hahantong ang lahat sa ganito. Minsan iniisip ko na wala ba akong utak o ang hina-hina ata ng utak ko at di ko naipasa agad ang mga asignaturang nagpasakit sakin sa loob lamang ng ilang buwan. Masakit. Oo. Sobrang sakit ng kalooban ko at akoy napasama sa mga magreremovals. Hindi ako sanay na may ibinabagsak. Kaya kung mahina ang loob mo. Huwag mo nang ituloy ang balak mong Mag medisina. Tiyak na luluha ka. Pero ako di ako umiyak. Dahil kahit anong gawin ko, kahit na lang beses pang umikot ang mundo ay wala ka nang magagawa. 

Naipasa ko sa pre-removals ang Physiology at Gross. Sa totoo lang aya nahrapan ako. Seryoso. Sa Physiology, 173 kaming nagremivals at 67 lang nakapasa. Masaklap. Pero yan ang katotohanan. Hindi ko naipasa ang Micro sa di ko malamang dahilan sapagkat sa tatlo, eto ang pinakanadalian ako. Hindi ko tiyak pero sa mga exams na nadadalian ako, duon ako madalas na bumabagsak. Di ko alam kung nagiging kampante lang ako o ano basta kadalasan eto ang resulta. 

Anu-ano ang mga nalaman at natutunan ko sa Med school?
1. Lahat ay pantay-pantay. Wala yan sa kurso mapa medtech, nursing, pharmacy, pol sci, human eco, psych o economics. Nasa estudyante yan kung paano niya mahahandle ang stress sa med school at kung gaano siya kabilis makapag adapt. Seryoso.

2. Huwag mandaya. Mga F*ck U sila. Seryoso. May mga mababang uri pa rin ng mga nilalang na nagongopya sa MED. Di ko alam bakit talamak ito sapagkat ang iniisip ko dati pag pasok ko dito ay matured na halos at wala ng nandadaya tulad nong high school at ollege. Anyway sana makarma sila sa Boards. 

3. Huwag ikumpara ang sarili sa iba. seryoso. May magagaling at mabilis mag-aral. Kung di ka kabilang sa mga iyon. huwag mo ikumpara ang sarili mo dahil walang mangyayari sa buhay mo. Mag-aral at magsikap. 

4. Habang maaga piliting magadapt at huwag papetiks petiks. Seryoso. Kung di mo gagawin ito at di mo pipilitin ang sarili mo, walang mangyayari sayo. Ang resulta ay tiyak na d mo magugustuhan. 
5. Wag magkulong sa kwarto. Makisalamuha at makipagkaibigan. Walang nabubuhay magisa sa med. Kailangan mo ng karamay kapag nahihirapan ka na. 

6. Kung di mo na kaya. Itulog mo muna. Siguraduhin mong may gigising sayo. Seryoso.
7. Mag advance reading, makinig ng recordings, at agahan ang paggawa ng manuals. Hassle ang paggawa nito. Uubusin nito ang time mo. Seryoso.
 
8. Huwag na Huwag gagalitin ang mga professor. Pinaka Seryoso to. Sila ang gumagawa ng exams. Kaya nilang padaliin o pahirapan ito. Huwag pasaway at pumasok lagi sa school.
9. Humanap ng matinong kaibigan. Yung makakasama mong mag-aral. 


10. ETO ANG PINAKA DA BEST. HUWAG KALIMUTANG KAUSAPIN SI LORD SA LAHAT NG GAGAWIN MO. SERYOSONG SERYOSO. 
Well, yun lang masasabi ko muna. Magdasal, Mag-aral at Magsipag.
Disiplina ang kailangan. Bawas-bawasan ang FB at OL games. Seryoso.